29

Nov 30, 2017 @ 14:27

Memphis Grizzlies tuloy sa pagsemplang, niyari ng Spurs

Hindi maganda ang isinalubong ng San Antonio Spurs sa unang pag-apak ng court ni J.B. Bickerstaff bilang coach ng Memphis matapos lamugin sa 104-95 ang kanyang koponang Grizzlies at itakda sa siyam ang kanilang talo.

Nakapagtala si LaMarcus Aldridge ng pangalawang season-best niya sa ibinuslong 41 points, ang una ay ang 31 points niya kontra Dallas Maverics.

Mayroon lamang 10 puntos at limang assists sa 18 minutong nilaro si veteran Tony Parker sa kanyang ikalawang laro matapos sumailalim sa operasyon nito sa binti.

Bunga nito’y naitala ng San Antonio ang kanilang tatlong sunod na panalo.

Ang Spurs din ang unang NBA team na nagsubi ng 10 home wins sa season.

Patuloy naman ang pagsemplang ng Grizzlies sa kabila ng pagsibak kay David Fizdale bilang coach ng Memphis.

Hindi pa rin nakakasabak sa koponan sina Mike Conley, Chandler Parsons, Mario Chalmers at Brandan Wright.

Mayroon mang JaMychal Green at Marc Gasol ang Memphis ay hindi ito naging sapat upang mapigilan si Aldridge.

Kumamada kasi ang 6’11” forward ng 17 puntos sa unang 19 points ng San Antonio, tangan ang 6-for-7 sa field at may panuldok pang 3-of-3 sa three-pointers.

Sa panig naman ng Grizzlies, tanging si Tyreke Evans lang ang may ambag na malaki sa naipukol na 22 points habang may 10 puntos lang si Gasol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?