312

Oct 5, 2021 @ 11:11
By

Memo pirmado na ni Duterte! Mga gabinete bawal na sa Gordon hearing

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng publiko ang isang memorandum na nagbabawal aa mga opisyal ng ehekutibo na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Senador Dick Gordon.

Sa kanyang Talk to the People, pinirmahan ng Pangulo ang memorandum na layuning iiwas ang kanyang mga gabinete sa pambabastos umano ng senador at panghihiya sa mga ipnapatawag sa kanyang mga pagdinig sa Senado.

” I have issued this memorandum because we cannot allow blatant disrespect of resource persons at the ongoing hearings of the Senate Blue Ribbon Commitee,” anang Pangulo.

Hindi aniya dapat makompromiso ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa problema sa COVID-19 dahil lamang sa pagpapatawag sa mga miyembro ng gabinete subalit pinaghihintay ng mahabang oras at hindi naman isasalang sa imbestigasyon.

Hindi katanggap-tanggap sa Presidente ang pahayag ni Gordon na magtutuloy-tuloy ang imbestigasyon ng kanyang komite ” until kingdom come” dahil hindi naman aniya ito Diyos.

Kung gusto aniya ni Gordon ay gawin at ipagpatuloy ang kanyang imbestigasyon pagkatapos ng pasko at pagkatapos ng eleksiyon para hindi maabala ang mga opisyal ng gobyerno na tumututok ngayon sa problema sa COVID-19.

“Ang ibig sabihin ko ganito, you can really if you want to do it hearing even after christmas or after elections if you want. Wala ka man PR lang, “kingdom come” yan eh. Ang problema, yung tao ko lang,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?