34

Mar 31, 2020 @ 9:09
By

Memo para magamit ang rapid test ipinalalabas sa DOH

Nagpapasalamat si Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa inaprubahan na ng FDA na paggamit ng uri ng Rapid Testing Kits.

Importante aniya ito para tuluyan nang malaman ang mga positibo sa COVID19 at para maihiwalay na sila sa mga tao kaya dapat maglabas ng memo na nagpapahintulot na magamit ang mga rapid test.

Ito ay upang mapigil na ang pagkakahawa-hawa ng virus sa komunidad.
Inihalimbawa pa ni Velasco,ang isang nagpositibo sa COVID19 sa kanilang lugar na asymptomatic kaya pinauwi at ilang araw pa bago lumabas ang resulta na positibo sa virus.

Ngayon pa lamang umano nila ito kukunin para i-isolation kaya hindi tiyak kung nakapanghawa na ito ng kanyang ka pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?