474

Nov 23, 2018 @ 18:25
By

Memo No. 32 ni Duterte, simula na ng nationwide Martial Law – solons

Walang nakikitang ibang dahilan ang ilang kongresista sa pagpapalabas ng Memorandum Order No. 32 kundi para unti-untiin ang nationwide Martial Law.

Sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinadagdagan ang puwersa ng mga sundalo sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at sa Bicol Region dahil sa umano’y “sporadic acts of violence.”

Pero para kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, ginagamit lang ng Palasyo ang nangyaring masaker sa Sagay, Negros Occidental, pagpatay sa kanilang abogadong si Atty. Ben Ramos gayundin ang iba pang kaso ng human rights violations sa mga nabanggit na probinsiya para bigyang katuwiran ang state of emergency na ang tunay na layunin ay magdeklara ng batas militar sa buong bansa.

Sabi ng kongresista, malinaw din na ang target nito ay mga lumalabang masa na naggigiit ng kanilang karapatan sa lupa, sahod, tirahan at iba pang reporma.

“More troops deployment is meant to quel the people’s just and legitimate socio economic demand. It should be rejected,” ayon kay Casilao.

Sinegundahan ito ni ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio na nagsabing ang memo ay indikasyon na gumagawa ng ibang hakbang ang Pangulo para maisakatuparan ang pagdedeklara ng nationwide Martial Law.

Wala aniya itong ipinagkaiba sa palutang na “Red October,” at umano’y sabwatan ng mga taga-oposisyon gayundin ang tuloy-tuloy na militarisasyon sa gabinete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?