49

Sep 23, 2017 @ 23:46

‘Melo-to-Rockets nakatengga pa

Wala pang linaw ang trade talks na magdadala kay Carmelo Anthony sa Houston Rockets mula New York Knicks.

Pero umaasa ang kampo ni ‘Melo na maite-trade din siya hanggang Lunes.

Hindi pa rin ginagalaw si Anthony gayung matamlay na ang relasyon nila ng Knicks, nabanggit pa noon ni dating team president Phil Jackson na “better off somewhere else” si ‘Melo.

Si Anthony mismo ang pumili sa Rockets, at hoping ang kampo ng 10-time All-Star na magkakaroon na ito ng linaw sa Lunes, sa annual media day ng Knicks.

Paano kung sa Portland mapadpad si Anthony?

Hayagan nang nire-recruit nina Damian Lillard at CJ McCollum si Anthony para lumipat sa Portland.

Maraming players ang Trail Blazers na puwedeng pakawalan para matapatan ang suweldo ni Anthony. Ilan sa players na ito, ayon sa ulat ng NBC Sports, sina Evan Turner, Maurice Harkless, Meyers Leonard, Al-Farouq Aminu at Ed Davis.

May lower-paid players pang puwedeng ibigay sa New York.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?