281

Jan 19, 2019 @ 16:03

Melo susugalan uli sa NBA

Inaasahan ang muling paglutang ng 10-time All-Star na si Carmelo Anthony sa NBA.

Saad sa report ng The Athletic, ilang mga koponan sa liga ang interesado sa serbisyo ni Melo, na posibleng magkaroon na ng bagong koponan matapos ayawan ng Houston Rockets sa pagsisimula ng season.

Sa paglalaro para sa Rockets, um-average ito ng 13.4 points at 5.4 rebounds sa sampung salang bago ibangko ng koponan, malayo sa kanyang dating porma na 28.7 points per game noong nagwagi ito bilang scoring champion sa 2012-2013 season.

Hindi pa sigurado ang magiging kapalaran ni Carmelo kung sakaling lumipat ito ng team, kasalukuyan pa ring may kontrata sa Houston na posibleng mai-trade o i-release ng Texas-based squad.

Dati nang napaulat na interesado ang four-time NBA MVP na si LeBron James para maging kakampi si Melo sa Lakers ngunit ito’y sinopla ng koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?