107

Nov 17, 2018 @ 16:39
By ,

Melo sinusuyo ng Puerto Rico

Matapos isuka ng Houston Rockets, may isang tropa ngayon ang nanliligaw kay 10-time All-Star Carmelo Anthony.

Napabalitang nililigawan si Anthony ng Puerto Rican Basketball Federation at ni Dallas Mavericks guard JJ Barea para maging bahagi ng kanilang national team.

Sa panayam ng ESPN kay Barea, inamin nito na matagal na nilang gustong kunin si Anthony para maglaro pero hindi aniya ito masisisi kung bakit pinili nitong maglaro para sa Team USA.

“We tried a bunch to get him in the past, but of course nobody blamed him for playing for Team USA. But if he ever wants a chance to represent us, it would be awesome to have him,” wika ni Barea.

Pinanganak sa New York si Anthony at parehong Puerto Rican ang mga magulang nito. May apat na beses na rin itong naglaro para sa Amerika sa Olympics at isang beses sa FIBA World Championship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?