14

May 4, 2021 @ 16:05
By

Melo pasok na sa top 10 NBA scoring leader

Bagamat nabigo ang Portland Trailblazers kontra sa Atlanta Hawks nitong Martes (Philippine time), 114-123, wagi naman si Carmelo Anthony sa kanyang personal career.

Umiskor si Anthony ng 14 points sa naturang bakbakan, tampok ang isang four-point play sa second quarter ng laban upang umangat sa ika-10 pwesto sa NBA all-time scoring list.

Sa isang isolation play ay ginawang asintahan ng 10-time all-star si Hawks forward Danilo Gallinari at kumonekta ng isang three-pointer na sinamahan pa ng foul. Ang naturang basket ang nag angat kay Anthony lagpas kay Hall of Famer Elvin Hayes, na may 27,313 career points.

Matapos ang laro, may 27,318 career points na si Anthony. Ang isa pang Hall of Famer na si Moses Malone ang nasa ika-9 na pwesto sa all-time list na mayroong 27,409 career points.

Patunay ito na kaya paring makipagsabayan ng beteranong forward sa mga mas batang manlalaro. Matatandaang si Anthony ang 3rd overall pick noong 2003 NBA draft, kung saan kasabay niyang pumasok sa liga si LeBron James, na nasa 3rd place na rin sa all-time scoring list.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?