122

By

Melo isinuka na ng Houston Rockets

Sharing is caring!

Makalipas lamang ang 10 laro, tanggal na agad sa Texas-based squad ang 2013 NBA scoring champion na si Carmelo Anthony.

Kinumpirma ang balita ni Houston Rockets general manager Daryl Morey sa isang statement.

“After much internal discussion, the Rockets will be parting ways with Carmelo Anthony and we are working toward a resolution,” saad sa pahayag ni Morey. “Carmelo had a tremendous approach during his time with the Rockets and accepted every role head coach Mike D’Antoni gave him. The fit we envisioned when Carmelo chose to sign with the Rockets has not materialized, therefore we thought it was best to move on as any other outcome would have been unfair to him.”

Bagama’t hindi na makakasama ni Anthony ang koponan, napaulat sa ESPN na hindi naman nagmamadali ang Houston na agad matapyas sa kanilang roster ang 10-time All-Star.

Hahanapan umano siya ng kapalit sa bisa ng trade, ngunit sa Disyembre 15 pa maaaring ilipat si Melo dahil sa trade restriction ng mga manlalarong bagong pirma pa lang ngayong season sa isang koponan.

“He was trying to make the necessary sacrifices, and it wasn’t fair to him as a Hall of Fame player to play in a role that wasn’t good for him,” the coach said. “… We did it, we tried it, both parties wanted it to happen, and it didn’t happen. Now we’re moving on,” paliwanag ni Morey sa pagkawala ni Anthony sa Rockets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }