18

Apr 6, 2021 @ 1:13
By

Melissa may sey sa ‘pagbabalikan’ nina Rocco, Lovi

Awkward para sa ilang artista na makatrabaho ang ex nila lalo na kung hindi maganda ang paghihiwalay ng mga ito.

Pero iba ang sitwasyon para sa mag-ex na sina Rocco Nacino at Lovi Poe.

Magkakasama ngang muli sina Rocco at Lovi dahil guest ang aktor sa “Owe My Love” teleserye ng kanyang ex-dyowa.

Ayon kay Rocco, suportado ng misis niyang si Melissa Gohing ang muli nilang pagsasama ni Lovi.

Si Melissa pa nga raw ang excited at nagtutulak sa kanya na i-grab ang opportunity.

Halos limang taon mula nang maghiwalay sila, sinabi ni Rocco na naging “madali” na ang pagtatrabaho kasama si Lovi dahil nagkasama na sila noong 2015 sa “Beautiful Strangers”.

“We knew already how we work. It was like continuing where we left off,” sambit ni Rocco sa GMA News.

Naghiwalay sina Rocco at Lovi noong 2016 matapos ang halos dalawang taong relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?