13

Nov 14, 2020 @ 13:28
By

Melissa Gohing nagtanim sa Sierra Madre

Hiniling ni volleybelle Melissa Gohing na maprotektahan ang Sierra Madre katulad ng pagprotekta ng naturang kabundukan sa mga Pinoy.

Sa Instagram post ni Gohing, binahagi nito ang kanyang pagtatanim sa Mount Purro Nature Reserve, na nasa paanan ng Sierra Madre, para sa kanyang kaarawan.

Kasama ni Gohing ang kanyang nobyo na si Rocco Nacino at mga alaga nilang aso para matupad ang birthday wish niya.

“The Sierra Madre has been called backbone of Luzon because its true function is to act as nature’s shield against super typhoons and storm surges,” sey ni Gohing.

“Let us protect Luzon’s biggest nature shield from illegal loggers who shamelessly chopped trees even in a reforestation area.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?