689

Oct 5, 2018 @ 14:40
By

Melissa Gohing nagsalita tungkol sa relasyon nila ni Rocco Nacino

First time nagsalita ng former lady spiker ng De La Salle University team na ngayon ay national volleyball player na si Melissa Gohing tungkol sa boyfriend-actor na si Rocco Nacino.

Walang gaanong nakakaalam sa relasyon nina Melissa at Rocco. Ngayong nag-celebrate sila ng one year anniversary saka lang kumalat na matagal na ang kanilang relasyon.

Ayon kay Melissa ang nagustuhan niya sa actor ay pagiging malapit nito sa pamilya. Wala raw kinalaman ang pag-aartista ni Rocco.

Ani ng volleybelle player: “Nagustuhan ko siya on how he is with his family, sobrang loving son. As in hindi nakikita yun ng mga tao, pero iba siya pagdating sa pamilya niya at kung paano magtrato sa mom.”

Bilin daw kasi ng kanyang mother na kung may manliligaw sa kanya ang piliin ay ‘yung may respeto at pagmamahal sa pamilya. ‘Yun daw ang nakita niya sa actor.

Alam din daw niya na may past love si Rocco, si Lovi Poe.

Maganda ang eksplenasyon ni Melissa tungkol sa past ng actor.

“For me, it’s past and you cannot erase past. I had a past too. He cannot erase it, too. What matters is those pasts is a learning lesson for us to be prepared for our future relationship.”

Natanong din kay Melissa kung forever na ba sila ng actor?

“Palagi ko sinasabi sa mga tao when it comes to those questions, in God’s perfect time,” pagtatapos ng volleybelle player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?