141

By

Melissa ginawang ‘extra special’ ang b-day ni Rocco

Unti-unti nang ipinakikilala ni Rocco Nacino ang current girlfriend niyang si Melissa Gohing, isang ace volleyball player, sa netizens.

Kung sa naunang post ni Rocco ng bakasyon niya sa La Union, babaeng ni-lift lang niya sa ere ang pinakita niya sa Instagram na walang anumang detalye at pagkakakilanlan, pero nahulaan ng kanyang mga follower na si Melissa ang nasabing girl, sa family birthday celebration niya nakabalandra ang larawan ng girlfriend.

Nakaposte sa IG ni Rocco ang ilang photos na kuha sa intimate birthday party niya kasama ang mga mahal niya sa buhay.

Makikita sa mga larawan na naroon si Melissa na kabilang na sa pamilya.

Nakaakbay pa si Rocco sa girlfriend niya sa isang photo.

Mababasa sa caption ng larawan na sinasabi ni Rocco ang pagiging espesyal ng birthday niya dahil kasama niya ang lahat ng mga mahal niya sa buhay.

@nacinorocco, “Birthdays are always best celebrated with family and loved ones. Another year, another reason to look forward to the challenges and growth I will attain throughout the year.”

Isa si Melissa sa nag-effort sa birthday gathering na ito. Pinasalamatan siya ni Rocco sa kanyang message caption.

“I expected a simple get together but you all went out of your way to make it extra extra special. Thank you Fambam and Mel for putting together the video greets. To everyone in the video, maraming salamat. It’s so nice to feel loved, and to give love. Spreading and sharing the joy that I am feeling now. Magandang araw sa inyong lahat!”

Asahang mas marami pang photos nina Rocco at Melissa ang masisilip sa IG ng Kapuso actor ngayong indirectly opisyal nang ipinakilala nito ang kasintahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?