145

Jan 1, 2018 @ 11:50

Melindo yumuko kay Taguchi sa unification bout

Naging mapait ang pagtatapos ng taon ni Milan Melindo matapos matalo kay Ryoichi Taguchi sa kanilang unifaction bout para sa WBA at IBF World lightflyweight title sa Ota-City General Gymnasium sa Japan.

Sinamantala ni Taguchi ang kanyang dalawang pulgadang reach advantage kay Melindo (37-3-0) para makuha ang unanimous decision victory, 116-112, 117-111, 117-111.

Nagawang magpakawala ni Taguchi (27-2-2) na mg solidong upper cuts na nagpayanig kay Melindo.

Nakuha din ng Hapon ang bakantang Ring Magazine light flyweight belt matapos maidepensa ang kanyang WBA title sa ikapitong pagkakataon sapul noong 2014.

Ito sana ang pangalawang title defense ni Melndo matapos niyang makuha ang belt laban kay Hekie Budler noong Setyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?