35

By

Melecio umariba, La Salle nakatakas sa Adamson sa OT

Sharing is caring!

Nakalusot ang De La Salle Green Archers laban sa Adamson Soaring Falcons, 79-78, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena Sabado, Oktubre 13.

Matapos tumirada ng triple si Santi Santillan upang maibaba sa dalawa ang kalamangan ng Adamson, 2:38 ang natitira sa orasan, ang parehong koponan ay hindi nakatira ng basket sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.

Ngunit nakapukol ng floater si Aljun Melecio sa huling sandali, upang maidala ang laro sa overtime.

Dito na nag-init ang La Salle nang umiskor sila ng siyam na sunod sa unang tatlong minuto ng extra period.

Pinilit isalba nina Jerrick Ahanmisi, Simon Camacho, at Sean Manganti ang Soaring Falcons ngunit masyado na rin malaki ang naidulot na pinsala ng Green Archers.

Nanguna si Aljun Melecio sa kanyang 22 points para sa La Salle, habang sina Santillan at Justine Baltazar ay nagtala pareho ng tig-16 points at combined 19 rebounds.

Mula sa baraha na 4-3, nananatili pa ring walang dungis ang La Salle sa pitong laro laban sa Soaring Falcons na pinamumunuan ni Franz Pumaren noon pang 2016.

“Pareho kami ng ginagawa – we both do run and jump, and full court defense, siguro if you do that everyday kailangan alam mo rin kung papaano dapat icounter,” sabi ni La Salle head coach Louie Gonzales.

Sa panig ng Adamson, nag-rehistro ng 27 points at seven rebounds si Jerrick Ahanmisi habang nagdagag ng 23 points at seven rebounds si Sean Manganti.

Lumagpak sa 5-2 ang baraha ng Adamson, matapos ang dalawang sunod na talo sa overtime.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?