8

By

Melecio sinasagad ang sarili sa ensayo ‘pag natatalo

Sharing is caring!

Sa kabila nang kabayanihan ni Aljun Melecio sa late game, aminado siya na marami pa siyang bigas na kakainin.

Kung kaya’t matapos silang matambakan ng Ateneo noong Oktubre 6, 80-66, nag-extra shooting ang produkto ng DLSU-Zobel sa mismong araw na iyon.

“Ganoon akong klaseng player na if matalo, if may kulang akong ginawa, mag-extra work ako. Extra, extra, extra talaga pag feeling ko, may kulang akong ginawa,” saad ni Melecio.

Nagbunga nga ang pinagpaguran ni Melecio sa kanyang inensayo mula sa kanilang 79-78 na pagkapanalo sa Adamson, kung saan nagtala siya ng 22 points.

Sinalba rin ng third-year guard ang koponan ng Green Archers mula sa kanyang game-tying floater, ngunit kung hindi niya pinasok ang tirang iyon, magiging iba ang ihip ng hangin para sa kanila.

“Suwerte kasi pumasok, kung hindi pumasok ‘yun patay ako kay coach [Louie Gonzales],” biro ni Melecio.

Kung kaya’t nagsisikap si Melecio upang mapabuti niya ang kanyang laro dahil siya na ang naatasan bilang primary guard ng La Salle ngayon.

“Lagi akong gigil. Kaya nga kino-control ako nina coach Louie [Gonzalez] and coach Glenn [Capacio] kasi minsan, nawawala na yung decision-making ko,” paliwanag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?