143

Apr 6, 2021 @ 14:25

Melai ayaw bayaran tuition fee ng ibang kamag-anak

Alam ni Melai Cantiveros ang halaga ng bawat perang kanyang kinikita buhat nang magkaroon ng sariling pamilya.

Kaya naman noong nagkaroon na sila ng anak ng kanyang asawa na si Jason, nagsimula na siyang mag-ipon para na rin sa kanilang supling.

“Pero this time, nu’ng nag-asawa ako, nagkaroon kami ng anak, nagbago na. Never na. Kung ano ang ikabubuti ng anak namin, doon kami. May mga investment, may mga ipon. ‘Yung mga ganu’n,” sey ni Melai sa vlog ni Enchong Dee.

Kaya naman kahit kamag-anak niya ay kanyang tinuturuan na maging responsable sa kanilang mga sari-sariling pamilya.

Nilantad ni Melai na kapag may kamag-anak na nanghihingi sa kanya para sa tuition fee, hindi niya ito pinagbibigyan.

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, ‘Ba’t ako tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan,” paliwanag ni Melai.

Aniya, bata pa lang sila ay tinuruan na silang huwag umasa kaya pinagsasabihan niya ang ibang kamag-anak na humihingi ng tulong sa kanya pagdating sa tuition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?