38

Sep 10, 2021 @ 10:09

Mela Tunay pinagtanggol sina Valdez, Morado: Shut up na lang

Hindi nagustuhan ni Carmela Tunay ang report ng isang pahayagan kung saan sinabing sinaraduhan daw ng pinto sina Alyssa Valdez at Jia Morado para sa PH national volleyball team.

Ito’y base sa pahayag ni head coach Odjie Mamon, kung saan sinabi nito na gusto raw nila ng mga batang manlalaro at hindi rin daw nila kinunsidera ang dalawang volleyball star para sa national team.

Giit naman ni Tunay, hindi naman daw kumakatok sina Morada at Valdez para makasali sa national team kaya’t hindi nagustuhan na may mga balita pa tungkol sa non-inclusion ng dalawang manlalaro.

“Shuts door e parang di naman na sila kumakatok. Parang dapat shut up nalang din po yata, settled naman na. Lol. Just a thought,” wika ni Tunay.

“No disrespect to coach Odjie, i know how media works too. Its really the thought na may articles pa din about a closed case issue na. I mean nagttraining na nga yung team so whats the point?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?