11

Jul 25, 2020 @ 15:44
By

Mel Gibson gumaling sa COVID

Si “Braveheart” actor Mel Gibson ang latest celebrity na tumalo sa coronavirus.

Isang linggong naka-confine ang 64-anyos na aktor sa Los Angeles noong April matapos ma-test na positive sa COVID-19, ayon sa ulat ng People.

Mula noon ay nakarekober na ang Oscar-winning actor and director.

Ginamot daw si Gibson ng remdesivir.

Kabilang sa mga naunang celebrities na na-test na positive sa virus sina Hollywood actors Tom Hanks at Rita Wilson. Katapusan ng Marso nang makarekober sa sakit ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?