429

Nov 4, 2019 @ 11:43

Mekeni Food kumpirmadong may ASF – DA

Matapos ang dalawang validation test, kinumpirma ngayong Lunes ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga produktong longganisa at hotdog ng Mekeni Food Corp..

“Set of samples of longganisa and Picnic Hotdog tested positive for African Swine Fever based on tests conducted,” saad ni Bureau of Animal Industry officer-in-charge Ronnie Domingo sa isang press conference sa Quezon City.

Ang mga sample mula sa skinless longganisa at Picnic hotdog na pina-test ng kompanya nitong nakaraang buwan ay ASF-positive, paliwanag pa ni Domingo.

Ginawa ang test nitong Oktubre 25, isang araw matapos boluntaryong ni-recall ng Mekeni ang lahat ng mga produktong karne nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?