18

By

Mekaniko unang nasampolan sa Comelec gun ban

Sharing is caring!

Buena mano ang isang mekaniko at nasampolan sa unang araw ng Commission on Election gun ban matapos na mabuking ang itinagong baril sa kanyang helmet na sa halip na isinuot sa ulo ay isinabit sa kamay sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director P/Chief Supt. Joselito T Esquivel Jr., ang nadakip na si Edgardo Aguilos, 37 –anyos, nakatira sa Tawid Sapa, Brgy. Kaligayahan.

Sa report ni Novaliches Police Station 4 commander P/Supt. Rossel I. Cejas, bandang alas-onse ng gabi nang maaresto si Aguilos sa Comelec checkpoint sa tapat ng Caltex Gasoline Station sa Forest Hill Subd., Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches.

Ayon kay Supt. Cejas, sinita ang suspek dahil wala itong suot na helmet sa ulo at doon ay nabuking na kaya hindi maisuot ay dahil pinaglagyan niya ito ng kaniyang .45 kalibre ng baril.

Wala namang naipakitang ‘certificate of authority to bear and carry or transport a firearm’ ang mekanino kaya agad itong inaresto.

Bukod sa baril ay kinumpiska din sa mekaniko ang P1,425 cash, cellphone at Yamaha motorcycle na may plate No. 9779CD.

Nabatid na ang suspek ay nakulong na rin sa kasong physical injury noong January 2018 dahil rin sa pagdadala ng ‘di lisensiyadong baril.

Si Aguilos ay nakapiit ngayon sa detention cell ng QCPD habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 or the Comprehensive Law on Firearm and Ammunition) in Relation to the Omnibus Election Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?