10

By

Meghan suportado ang kasal nina Nick, Priyanka

Sharing is caring!

Kabilang ang Duchess of Sussex na si Meghan Markle sa natuwa sa engagement nila Nick Jonas at Priyanka Chopra.

Isa sa best friends ni Meghan si Priyanka at isa ito sa naimbitahan sa naging royal wedding niya kay Prince Harry noong nakaraang May.

“Everyone is very happy and they are definitely a great match,” ayon pa kay Meghan.

Ang tanong ay kung a-attend ba si Meghan sa wedding ni Priyanka sa October 2018? Marami ang humuhula na darating ang duchess.

Matagal nang magkaibigan sina Meghan at Priyanka at nagkuwento nga ang Bollywood star kung anong klaseng friend si Meghan.

“She’s always been someone who’s so just aware and interested in the world.

“I met her three or four years ago and that’s what we bonded on — was how much we feel like we contribute to that as public people.

“I really feel like that’s what she was born to do and I hope this gives her the opportunity to do that.”

Sampung taon ang tanda ni Priyanka kay Nick, pero hindi ito naging hadlang para mag-propose ito sa kanya. Pinasara pa raw ni Nick ang Tiffany & Co. store in London para makapili siya ng tamang diamond engagement ring para sa former Miss World.

Si Nick ang pangalawang Jonas brother na ikakasal. Unang nag-asawa si Kevin Jonas noong 2009.

Si Joe Jonas ay na-engaged last year sa Game of Throne actress na si Sophie Turner. Wala pang date kung kelan sila ikakasal.

Natitira na lang single sa Jonas brothers ay ang 17-year old na si Frankie Jonas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?