91

Mar 8, 2021 @ 15:19
By

Meghan naisip mag-suicide bago kumalas sa royal family

Nilantad ni Meghan Markle, ang Duchess of Sussex, na bago sila magpasya ng kanyang asawang si Prince Harry na itakwil ang pagiging working members ng British Royal Family ay kinonsidera niyang mag-suicide.

“I just didn’t see a solution,” sey ni Meghan kay Oprah Winfrey sa panayam na umere noong Linggo, sa ulat ng ABC News.

“I would sit up at night, and I was just like I don’t understand how all of this is being churned out … and I realized it was all happening just because I was breathing,” dagdag niya.

Nahihiya aniya siyang sabihin iyon kay Harry noong panahong iyon dahil alam niya kung gaanong pagkawala ang dinanas ng mister, pero alam niyang kung hindi niya iyon sinabi ay gagawin niya iyon.

“I just didn’t want to be alive anymore, and that was a very clear and real and frightening constant thought,” banggit niya.

Sinabi ni Meghan na dumulog siya sa “isa sa pinaka-senior na tao” ng royal family pero hindi nakakuha ng tulong para sa kanyang mental health.

Pumunta rin umano siya sa human resources at nasabihan siyang walang pwedeng gawin dahil hindi siya “bayad na empleyado ng institusyon.”

“I share this because there are so many people who are afraid to voice that they need help, and I know personally how hard it is to not just voice it, but when you voice it, to be told no,” ani Meghan.

“Nothing was ever done, so we had to find a solution,” saad niya pa tungkol sa naturang karanasan.

Kinasal sina Harry at Meghan noong Mayo 2018.

Enero 2020 nang talikuran nila ang kanilang mga Royal Duty at lumipat sa North America kasama ang panganay na si Archie.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin, o nanganganib na kitlin ang sariling buhay:

National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotlines
Mobile: 0917-899-8727
Landline: (02) 7-989-8727 o 1553 (toll-free)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?