24
meghan-markle
Apr 26, 2018 @ 12:15

Meghan Markle, huling labas na sa ‘Suits’

Nagpaalam na nga si Meghan Markle sa American drama series na “Suits”.

Huling appearance na niya sa season finale ng “Suits” bilang si Atty. Rachel Zane.

Kasunod ito ng pagpapakasal ni Markle kay Prince Harry sa May 19.

Kasalukuyan pang nagsu-shooting ang “Suits” para sa eighth season nito.

Sa episode, magpapalitan ng “I do” sina Rachel (Markle) at Mike (Patrick J. Adams) sa last-minute ceremony, pero bago nito magkakaroon sila ng oportunidad na mahihirapan silang tanggihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?