53

Mar 23, 2020 @ 18:02
By

Megaworld may libreng transpo para sa mga hospital worker

Nilaan ng Megaworld Corp., ng business tycoon Andrew Tan, ang mga Citylink bus nito para magbigay ng libreng transportasyon sa mga nagtatrabaho sa mga ospital sa Metro Manila habang umiiral ang enhance community quarantine.

Nakipagkoordinasyon na ang kompanya sa Department of Transportation (DOTr) para magbigay serbisyo sa mga health wroker patungo at galing sa Pasig City General Hospital at Makati Medical Center mula Marso 23 hanggang Abril 12. Magsisimula ang biyahe mula alas-4:30 ng madaling-araw hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ayon kay Arnie Batac, Megaworld head of estate management, maseserbisyohan umano nila ang nasa 120 mga health care worker na nasa frontliner.

Tumulong din ang Megaworld sa lokal na pamahalaan ng Bacolod at Iloilo na nasa ilalim rin ng quarantine.

Nagpadala sila ng 1,000 litro ng alkohol at 5,000 surgical mask para sa iba’t ibang ospital at health center sa Bacolod.

Nasa 1,000 litro din ng alkohol ang pinadala sa Iloilo City para ipamahagi sa iba’t ibang ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?