29

May 5, 2021 @ 13:54
By

‘Megaphone diplomacy’ pantapat sa China – Drilon

Dapat presyurin umano ng gobyerno ang China sa pamamagitan ng ‘megaphone diplomacy’ dahil maaaring ito na lang ang natitirang paraan para tapatan ang ‘gunboat diplomacy’ ng naturang economic giant, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“I would rather that we continue with the megaphone diplomacy because of the gunboat diplomacy of China,” pahayag ni Drilon sa panayam sa ANC.

“We must continue to expose these illegal acts of China. That is why megaphone diplomacy, as the Chinese foreign minister would call it, is maybe the appropriate course that we have today so that we can keep China on its toes insofar as the world forum is concerned,” diin nito.

Ginawa ni Drilon ang pahayag kasabay ng kanyang pagdepensa kay Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. kaugnay ng patutsada sa Twitter laban sa China.

 “I know Sec. Locsin very well. He is very patriotic. Maybe his emotional outburst is because of the frustration that he cannot do much except file diplomatic protests on this incursion of China,” sambit ni Drilon bilang pagtatanggol kay Locsin.

Sabi pa ng minority leader, ang pahayag nina Locsin at Defense Sec. Delfin Lorenzana laban sa China ay pagpapakita ng sentimiyento ng karamihan sa mga Pinoy.

“We are all frustrated by what China is doing,” sambit ng minority leader.

“Again, the megaphone diplomacy is probably the only weapon that we have today. We must keep this in the consciousness not only of the Philippines but of the whole world,” ayon kay Drilon.

“We must keep this to the attention of the world so that China will realize that they are getting isolated with the way they have been conducting themselves, ignoring the judgment of the tribunal. Otherwise, if we just keep quiet, nothing will happen,” dugtong pa nito.

Nadidismaya si Drilon dahil magkakaiba ang mga boses sa gobyerno pagdating sa isyu ng iligal na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

“What I’d like to see is the Philippine leading a group of nations to confront China using a multi-national approach, because we cannot confront China alone. Maghanap tayo ng mga kasamang nations which are similarly situated,” ani Drilon.

“We should keep on reminding the world that China is not following the rule of law but the rule of might in this part of the world,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?