41

Megan Young, proud kay Laura Lehmann kahit hindi nasungkit ang Miss World

Sharing is caring!

Isa sa nalungkot sa pagkatalo ng pambato ng Pinas na si Laura Lehmann sa katatapos lang na Miss World ay si dating 2013 Miss World Megan Young.

Ipinahayag ni Megan ang saloobin hinggil sa kabiguan ni Lehmann na makapasok sa Top 15 at masungkit ang korona sa 2017 Miss World na ginanap sa Sanya, China noong Nobyembre 18 sa kanyang Instagram account.

Aniya, mahirap sa kanya na hindi mabasa ang pangalan ni Lehmann sa listahan ng mga nakapasok sa Top 15.

“As we board our flight back to Manila, I can’t help but think about last night. Not being able to read your name was the toughest because I really wanted and prayed for this moment for you! I was upset but as they say, the show must go on.”

“I went back to my room and realized that even though it may not have been the winning outcome I had hoped for you, I knew you were a winner in the hearts of many parents and children of Jose Reyes Memorial hospital. At your age, being able to provide a hospital with a MILK BANK is a WIN already. You have SAVED and CHANGED lives.”

Sa kabila nito, ipinagmamalaki umano ni Megan si Laura sa ipinakita nitong katatagan at pagiging positibo kahit pa hindi ito pinalad sa 2017 Miss World at ilan ay namba-bash pa sa kanya.

“I am so proud of you and your strength and positivity. Thank you for shining a bright light on the people around you, Lau. I am so proud to be your friend and sister. Thank you for inspiring me. Always. Love you, Lau! ”

Si Miss India Manushi Chhillar ang kinoronahang Miss World 2017 na naglagot sa 16 na taong pagkauhaw sa korona ng India.

Huling naiuwi ni Priyanka Chopra ang korona ng Miss World para sa India noong taong 2000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?