32

Jan 15, 2021 @ 19:38
By

Megan Young, Mikael Daez lilisanin na Maynila

Tuloy na tuloy na ang paglipat ng mag-asawang sina Megan Young at Mikael Daez sa Subic, Zambales upang doon na manirahan.

Sa Instagram ng aktres, ibinahagi niya ang kanilang litrato ni Daez sa kanilang condominium na nagsilbing unang tahanan nila bilang mag-asawa.

“Aaaaand we’re outta here!!!” saad niya sa caption ng kanyang post.

“So sad to be leaving this place because it was our first home as husband and wife but I’m happy we are moving to a place that we can finally call our own. We decided to make it a chill move and started two weeks ago so that we wouldn’t get stressed with our move,” dagdag pa niya.

Ani Young, excited na siyang makalipat sa kanilang bagong titirhan.

“[C]an’t wait to fix up our new place! And can’t wait to declutter!! #bonezfofo #garagesaletime #MarieFofo,” saad niya.

Nagbahagi rin ang mister nitong si Mikael ng kanilang litrato at sinabing patapos na ang paglilipat nila ng mga gamit.

“Our move out is 95% complete with several days to spare! We planned super early and made sure to not over work ourselves during each moving day,” saad niya.

“We ended up with a happy pace and now it’s time to properly settle in our new home which is a maze of boxes and garbage bags, cheers to a super fresh start in 2021,” dagdag pa niya.

Una nang pinlano ng dalawa ang paninirahan sa Subic kasama ang pamilya ni Young.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?