63

Jan 19, 2021 @ 19:42

Megan Young, Mikael Daez enjoy sa beach

Wala pa man ding summer ay nagtungo na ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa beach.

Sa Instagram (IG) post ni Daez, makikita ang dalawa na nakaupo sa isang paddle board sa gitna ng dagat.


“We spent a relaxing day in the water this afternoon. I decided to rent out a paddle board for the whole family to take turns trying it out,” saad niya sa caption ng kanyang post.

“To my surprise, iisa lang ang gumagamit! Boneezy was on the board for a couple of hours and seemed to enjoy it the most!” dagdag pa niya.

Una na rito ay nag-post siya ng litrato kasama ang asawa kung saan pareho silang nakasuot ng shades.

Aniya, ayaw ni Young ang naturang anggulo ng mukha niya sa litrato kaya niya ito kinuhaan.


Sa IG naman ni Young, ibinahagi niya ang litrato niya kasama ang buong angkan ng Daez.


“So happy to finally be complete with the Daez family,” aniya sa caption ng naturang post.

Kamakailan lamang nang lisanin na ng dalawa ang condominium nila sa Metro Manila upang manirahan na sa Subic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?