48

By

Megan Young ayaw pang pakasalan ni Mikael Daez

Sharing is caring!

FIRST time na magkakasama sa isang teleserye ang real-life couple na sina Mikael Daez at Megan Young. Gagawin nila sa 2018 ang teleserye na The Stepdaughter.

Anim na taon na ang relasyon nila Mikael at Megan pero wala pa raw sa immediate plans nila ang magpakasal.

“Wala pa muna ‘yan sa mga plano namin ni Megan. We are still enjoying ourselves traveling and now we’re working together in one show.

“Kapag mag-asawa na kasi, maiiba na ang priorities namin. Kaya we’ll get married when the time is right,” sey ni Mikael.

Happy nga si Megan na magkakaroon na siya ng pagkakataon na makatrabaho ang boyfriend niya sa set.

Never pa raw kasi napapanood ni Megan na magtrabaho sa set si Mikael.

“Excited ako kasi siyempre ‘yung samahan namin, outside of the work area, so hindi ko pa siya nakakasama sa work.

“Gusto kong malaman kung paano siya sa work area niya,” sabi ni Megan.

Hirit naman ni Mikael: “Dati ko pang sinabi sa kaniya nu’ng lumipat siya sa GMA na sobrang excited ako na makatrabaho siya.”

Magsisimula na raw ang taping nila para sa naturang teleserye kunsaan makakasama rin nila si Katrina Halili.

Sa darating na Pasko, wala pa raw plano ang dalawa kung kanino sila mag-spend ng Noche Buena. Ang sigurado lang daw ay makakasama nila ang isa’t isa on Christmas Day. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?