22

Sep 23, 2021 @ 11:40
By

Megan umangkas kay Mikael

Napagod man ay tila solb pa rin si Megan Young matapos niyang umangkas sa kanyang mister na si Mikael Daez.
.

Nitong Miyerkoles, ibinahagi ng aktor ang ilang video at litrato nila ng kanyang esmi kasama ang kanilang fur baby na si Soba na naglilibot sa lahar plains dulot ng pagsabog ng Mt. Pinatubo noon.

Maiispatan sa post ng aktor ang naging masaya nilang ATV ride.

https://www.instagram.com/p/CUHMhrRJJxc/?utm_source=ig_web_copy_link

“We have a road dog, people! Or to be more accurate, we have a lahar dog 😂 Aside from yachting, soba joined us on an atv adventure around the lahar plains from Mt Pinatubo. As usual, sino ang pinakamasaya sa video???” caption ng aktor sa video na may kasamang #AlamNa.

Maging sa yate ay bitbit nila ang kanilang doggy.

https://www.instagram.com/p/CUCiNwJJuXl/?utm_source=ig_web_copy_link

“Sino ang pinakamasaya sa mga pictures na toh??? 😂🐶❤️ it’s soba’s first time at sea and there was zero hesitation from her!! She absolutely loved the sea breeze,” caption niya. (VA)

View this post on Instagram

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

View this post on Instagram

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?