108

Feb 2, 2018 @ 9:49
By

Megan, Mikael ayaw pang magbuo ng pamilya

Kakaiba sigurong lamig ang hatid nang panahon ngayon kay Megan Young kaya naman bigla itong nagposte ng throwback memories nila ng kasintahan nyang si Mikael Daez.

Biglang naging cheesy si Megan nang maalala ang isang pangyayari sa unang meeting nila ng model-actor ng GMA 7.
Nakaposte sa Instagram wall ni Megan ang larawan nilang dalawa ni Mikael, na mula sa likuran yakap-yakap siya nang boyfriend kasama nang jacket nito.

Malaki kasi ang significant nang jacket sa unang pagkikita nilang dalawa sa isang event, kaya nag-nostalgia bigla si Megan.

@meganbata, “The first time we met, we were backstage for an event. He was modeling and I was hosting. I was feeling a bit down and the venue was a bit chilly – which he probably noticed and innocently lent me his jacket.
We didn’t really talk much that night but his gesture left a lasting impression! 7 years later, this is how he lends me his jacket”.

Candidate na para sa kasal sina Megan at Mikael pero hanggang ngayon wala pang paramdam ang isa’t-isa kung may plano nang engagement sa kanilang dalawa.

Lalo’t ipalalabas pa lang ang bagong serye ni Megan ka-topbill si Katrina Halili ang “Ang Stepdaughters” malabo pa sa kasalukuyan na i-consider ng dalawa ang bumuo ng kanilang pamilya.

Lagi namang sinasabi ni Mikael na wala pa silang dalawa ni Megan sa estado ng marriage planning, ganundin ang Miss World 2013.

Well, abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata baka biglang maramdaman ni Mikael na kinakailangan nan yang lumuhod iaabot ang singsing kay Megan at sabihin ang magic word.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?