834

Jan 13, 2022 @ 15:30
By

Megan Fox niluhuran ng rapper

Nagdiwang ang mga fan ni Hollywood actress Megan Fox.

Sa wakas kasi ay engaged na ang aktres.

Viral ngayon ang video ni Fox kung saan makikitang lumuhod sa harap niya ang American rapper na si Machine Gun Kelly at nag-alay ng engagement ring.

Naganap ito sa ilalim ng puno kung saan daw sila nagkainlaban noong July 2020.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Megan ang naturang video ng marriage proposal ni Kelly sa kanya.

Ito na ang second marriage ni Megan, na sumikat nang umapir sa “Transformers” movies.

Unang ikinasal si Megan kay actor Brian Austin Green (2010-2021), kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak na lalaki.

Si Megan naman ang unang asawa ng 31-year-old na si Kelly, na may isa nang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?