219
Mega shabu lab sa Catanduanes, pag-aari ng ex-NBI official
By

Mega shabu lab sa Catanduanes, pag-aari ng ex-NBI official

Ibinunyag ng police officer sa Region 5 na isang dating opisyal ng NBI-Central Mindanao Regional Office (NBI-CEMRO) ang nagmamay-ari ng lote sa Virac, Catanduanes kung saan nadiskubre ang isang shabu laboratory noong 2016.

Sa naging pagdinig sa korte, kinilala ni Lieutenant Colonel Alex Pederio, na nakabase sa Camp Crame, si dating NBI-CEMRO acting regional director Eric Isidoro bilang may-ari ng 1,000 square meters na lote, pati na ang caretaker na si Lorenzo Piñera II.

Si Pederio noon ang namumuno sa 504th Police Provincial Mobile Group sa Region 5 nang madiskubre ang laboratoryo ng shabu.

Maliban kay Isidoro, apat pang personalidad ang nahaharap sa kaso dahil sa pakikipagsabwatan sa paggawa ng iligal na droga na sina Xian Xian Wang, Pido Bonito, Paolo Uy at Jayson Gonzales.

Nadiskubre ang mega shabu laboratory noong 2016 kung saan nasabat ang nasa mahigit P100 milyong halaga ng shabu at ephedrine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?