75
abante-tnt-vismin-chris-hemsworth
By

Mega-mansion ni Chris Hemsworth, tinuligsa ng Byron Bay residents

Sharing is caring!

Kasalukuyang ginagawa ang multi-storey $8.7 million Hollywood-style mansion ni Thor actor Chris Hemsworth.

Nasa ibabaw ito ng mga burol habang makikita sa ilalim nito at ang Seven Mile Beach at Broken Head.

Pero hindi ito ikinatuwa ng mga residente sa Byron Bay.

Anila, nakakasira sa ganda ng tanawin ang naturang mansiyon ni Hemsworth.

Isa sa mga residente na ng 38 na taon sa lugar ang nagsabing “pinatay” ng celebrities ang “picturesque” appeal ng Byron Bay.

“It used to be very quiet, but the overflow from (Byron Bay) is horrendous: you can’t get a park, you’ve gone from surfing with three people to surfing with 53 people,” ani Darren Birch sa The Herald Sun.

Isa namang lalaki na ayaw siyang pangalanan ang nagsabi na, sana umano ay hindi makaapekto sa kalikasan ang tinatayong mansiyon.

“If they cut too many trees down, so you can see it when surfing out in the ocean, it will be a real problem,” sabi nito.

Kung titignan umano ang pundasyon ng mansiyon, mukhang lalagyan ito ng malaking infinity swimming pool.

Nakatira noon ang mag-asawang Chris at Elsa Pataky sa east coast residence kasama ang tatlo nilang anak bago lumipat sa isang nirerentahang bahay malapit sa ginagawang construction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?