2,842

By

Mega Lotto jackpot nadale ng Batangueño

Sharing is caring!

Isang Batangueño ang nag-iisang nanalo ng Mega Lotto 6/45 jackpot prize na P45,394,304.00 na nabola Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander F. Balutan, tiyak na masaya ang celebrations ng Valentine’s Day ng may hawak ng winning combinations na 38,14,44,07,26,34 mula sa lotto outlet sa Batangas City Grand Terminal, Alangilan, Batangas.

“Once again, another millionaire was produced by PCSO, making a difference in the life of one of our “kababayan,” ayon kay GM Balutan.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes na mapapanood sa PTV 4 bandang 9:00 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?