davao-city

Mega jail facility itatayo sa Davao City

Sharing is caring!

Uumpisahan na ang konstruksiyon ng walong ektaryang kulungan sa Calinan, Davao City na maaaring maglagak ng 5,000 hanggang 6,000 na preso.

Ito’y bilang sagot na rin sa pagsisiksikan ng mga inmate sa piitan sa siyudad dahil sa lumalaking bilang ng mga nakukulong.

Ang kulungan sa Davao na may kapasidad lang na 300 preso ay nagkakanlong na ngayon ng humigit-kumulang sa 3 libong detainees.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) XI spokesperson, J/Insp. Edo Lobena sa UNTV, triple ang congestion rate ng mga preso sa ngayon kung saan hirap na sila sa pagtulog dahil sa pagsisiksikan.

“Just imagine, the [congestion rate] is triple. Can you imagine how they sleep? How are we supposed to take care of these inmates? This is one of the toughest jobs, especially for us BJMP personnel,” ani Lobena.

Umaasa ang mga otoridad sa piitan na matutugunan ng binansagang mega jail, na popondohan ng gobyerno mula sa national budget at sisimulan na ngayong buwan, ang problemang ito sa siyudad.

“The construction of the jail facility in Wangan is already in the bidding process … and also handled by the Department of Works and Highways,” dagdag pa ni Lobena.

Ayon naman kay Harvey Malnegro, BJMP-Davao Jail Officer 2, magkakaroon ng organic farming sa loob ng piitan para maging mainam sa kalusugan ang kakainin ng mga preso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?