By

Meeting nina Duterte, Trump ‘bad omen’ – Gabriela

Sharing is caring!

Masamang pangitain umano ang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump.

Pananaw ito nina Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas kasunod ng bilateral meeting nina Duterte at Trump sa gitna ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.

Ayon kay de Jesus, tiyak na ang kasunod ng pulong ay pagtaas ng militarisasyon sa buong bansa at sa rehiyon dahil magiging sunud-sunuran na naman sa Amerika ang Pilipinas.

Hindi rin anya maganda ito para sa mga kababaihan dahil notoryus ang mga sundalong kano sa pang-aabuso.

“This is an omen for women who have experienced rape and other forms of abuses in the hands of US soldiers, and for farmer and fisherfolk who have been displaced by military exercises,” sabi ng kongresista.

Sa panig ni Brosas, sinabi nitong wala nang ipinagkaiba si Duterte sa mga nagdaang pangulo na naging supporter ng multilateral meetings at kalauna’y naging prayoridad ang negosyo kaysa sa pabahay, kalusugan at social services.

“As ASEAN chair and on the body’s 50th year, the Philippine government is making a grave historical mistake in cozying up with Trump in the meetings, toeing the free-market line, and in keeping a blind eye on the grave human rights violations across the region,” dagdag ni Brosas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?