32
donald-trump
Feb 29, 2020 @ 13:45
By

Meeting ni Trump sa mga ASEAN leader, kinansela ng dahil sa COVID-19

Hindi na tuloy ang pakikipagkita sana ni US President Donald Trump sa ilang lider ng mga bansa sa Southeast Asia na magaganap dapat sa March 14.

Kinumpirma ang balita ng dalawang US official, ang dahilan umano ng pagkansela ng meeting ay dahil sa banta ng coronavirus.

Ang nasabing meeting ay gaganapin dapat sa Las Vegas sa 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) matapos na hindi sumipot si Trump sa ASEAN summit sa Bangkok noong Nobyembre.

“As the international community works together to defeat the novel coronavirus, the United States, in consultation with ASEAN partners, has made the difficult decision to postpone the ASEAN leaders meeting,” ayon sa isang administration official.

Gayunpaman, pinangako ng US na kanilang nirerespeto ang relasyon sa mga ASEAN member at inaabangan ang kanilang pagpupulong sa hinaharap.

Ang miyembro ng ASEAN ay ang mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?