111

Oct 1, 2020 @ 14:33
By

Meeting ni Duterte kay Cayetano, nauwi sa pray over

Nauwi sa pray over ang meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Alan Peter Cayetano sa Malacañang matapos ang eksena sa Kamara noong Miyerkoles.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagkataon kasing naka-schedule ang pagbisita ni Deputy Speaker Brother Eddie Villanueva sa Pangulo noong Miyerkoles kung saan nangyari din ang mga eksena sa Kamara at agad ding nakipagkita si Cayetano sa Presidente.

“Yun naman po, nagkataon lamang po na ang pangyayari sa Kamara kahapon ay nangyari doon sa scheduled meeting sa panig ni Deputy Speaker Brother Eddie Villanueva at ng Presidente,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na noon pang nakalipas na dalawang linggo inayos ang schedule ni Villanueva kay Pangulong Duterte at nagkataong nagkasabay lamang sila ni Cayetano na nagtungo sa Malacañang.

“Itong meeting na ito ay in-arranged two weeks ago pa ni Brother Eddie and it really is a pray over. Pero ang main dahilan po roon ay para i-pray over ang Presidente na nangyari naman po,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?