6

Jan 1, 2021 @ 11:06
By

Medyo good news: ‘Pinas ‘di pa babagyuhin

Sa ngayon, ayon sa state weather bureau, wala pang bagyo na maaaring makaapekto sa Pilipinas sa unang limang araw ng bagong taon.

“Sa kasalukuyan, wala pa tayong nakikitang sama ng panahon or bagyo na posibleng mabuo or makaapekto sa ating bansa in the next first five days of 2021,” ani Pagasa weather specialist Ariel Rojas kaninang madaling-araw, Enero 1.

“So medyo good news po ‘yan,” dagdag niya.

Sabi ng Pagasa, magpapatuloy ang mga pag-ulan sa maraming sulok ng bansa ngayong araw.

Kaya nagbabala ito sa posibleng pagbaha sa ilang bahagi ng Quezon, Rizal, Palawan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Masbate, at Sorsogon na malalapit sa katubigan.

“Ngayon, tuluy-tuloy po halos ‘yung mga pag-ulan. Simula kahapon ay meron pa ring banta ng mga pagbaha at pagguho ng lupa, kaya’t ibayong pag-iingat po ang ating paalala, especially sa may Bicol region,” banggit pa ng Pagasa weather specialist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?