abante ambulance medical
By

Medical teams, ambulansiya ready na Traslacion 2018

Sharing is caring!

Tiniyak National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde na naka-standby na ang medical teams at mga ambulansya para sa gaganaping traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9.

Ayon kay Albayalde, 23 medical stations ang kanilang itinalaga sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon.

Mahigit sa 65 ambulansya rin aniya ang naka-standby na mula sa ibat-ibang unit ng Office of Civil Defense at may labing limang rescue boats pa.

Gagamitin aniya ang mga ito para magbigay ng pangunang lunas sa mga debotong mahihilo o may karamdaman.

Payo naman ni Albayalde sa mga debotong may sakit na nagpipilit pa rin na sumama sa prusisyon na makipag-ugnayan muna sa medical teams bago sumali sa prusisyon.

Ito ay upang alam ng medical teams kung ano ang gagawin sakaling hindi maging maganda ang pakiramdam ng mga maysakit na deboto.

Paalala rin ni Albayalde sa mga deboto na huwag na magdala ng mga maliliit na bata upang maiwasan ang anumang disgrasya. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?