24

Jan 10, 2022 @ 16:44
By

Medical solution hindi restriksyon sa hindi bakunado—Teacher solon

Dapat na umanong itigil ng gobyerno ang military solution at pag-ibayuhin na ang tugong medikal sa pagsugpo ng COVID-19.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang kailangan ay paigtingin ang testing, contract tracing at tulungan ang mga nangangailangang Pilipino at hindi limitahan ang galaw ng mga hindi bakunado.

“Hanggang ngayon ayaw pa rin gumawa ng sapat na hakbang ng administrasyong Duterte para sa sapat na solusyong medikal kaysa sa aksyong militar na umaapak lamang sa mga karapatan ng mga mamamayan,” sabi ni Castro.

Sa halip na palawakin umano ang testing upang mahanap ang mga nahawa upang hindi na makapanghawa, ang solusyong naisip ng gobyerno ay limitahan ang galaw ng mga hindi nagpabakuna.

“President Duterte even went as far as threatening to arrest unvaccinated Filipinos for leaving their houses. This is simply unconstitutional and fascist,” dagdag pa ng lady solon.

Wala naman umanong nagawa ang mga checkpoint at lockdown kundi pahirapin lamang ang buhay ng mga Pilipino. Panahon na umano upang pakinggan ng gobyerno ang panawagan na solusyong medikal ang pag-ibayuhin at hindi solusyong militar. (Billy Begas)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?