251

Dec 20, 2018 @ 14:25
By

Medical marijuana, pag-aralan muna bago gawing legal – Duque

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na mahabang pagsasaliksik at pag-aaral ang kailangan pang gawin kaugnay ng panawagan na gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

“There has to be more studies to back it,” sabi ni Duque sa panayam ng ANC.

Sinasabi umano ng ilang doktor na nagagamit ang marijuana para makabawas ng nararamdamang sakit pero ito’y itinuturing na gamot o tugon sa karamdaman.

Niliwanag naman ni Duque na hindi tutol ang Department of Health (DOH) sa legalisasyon ng paggamit ng marijuana pero sa tingin nito ay hindi pa napapanahon dahil kulang pa ang impormasyon ukol dito.

“Ang problema nga rito, we have a scarcity of information about the benefits as claimed versus the potential risks because at the end of the day we have to weigh,” dagdag ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?