97

Nov 1, 2017 @ 12:36

Medical marijuana nasa batas na – Sotto

Pinayuhan ni Senate Majority Leader Tito Sotto si Health Secretary Francisco Duque na pag-aralan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165 bago ito humirit na isabatas ang paggamit ng medical marijuana.

Ayon sa senador, nakapaloob na sa batas ang paggamit ng medical marijuana.

“He should review RA 9165. Compassionate use is allowed. No need for a bill. Aralin muna nila ang batas,” giit ni Sotto.

Sa isang panayam, sinabi ni Duque na pabor siya sa “compassionate use” ng medical marijuana batay sa isinusulong ng ilang konggresista na House Bill 180 o panukalang Philippine Medical Compassionate Medical Cannabis Act.

Maagap naming nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian ukol dito dahil sa panganib ng pag-abuso.

“We currently have very weak enforcement against the illegal drug trade. Because of this inherent weakness, unscrupulous users will take advantage of this liberal policy on marijuana use to make money and sell it to the market,” ayon kay Gatchalian. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?