78

Oct 29, 2017 @ 13:39

Medical marijuana, lilikha ng public health emergency – Atienza

Patuloy ang paghimok ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa mga kasamahang kongresista na huwag pagtibayin ang panukalang batas para gawing legal ang medical marijuana.

Babala ni Atienza, lilikha ito ng public health emergency gaya ng opioid crisis sa Amerika.

“What is happening now in America, which is reeling from the widespread abuse of opioids, is guaranteed to happen here once we allow medical marijuana to be prescribed by Filipino physicians,” ayon kay Atienza.

Nagdeklara ni US President Donald Trump ng public health emergency bunsod nang lumalalang maling paggamit at pagka-adik sa opioids na sinasabing pumapatay ng 91 Amerikano kada araw.

Sabi ni Atienza, hindi malayong mangyari din ito sa Pilipinas kapag naging ligal ang paggamit ng medical marijuana kung saan papayagan ang mga doktor na magreseta nito sa mga pasyenteng nangangailangan ng pain reliever.

“The measure will create new demand for marijuana. And when there is demand, supply will come in. Even our farmers will start cultivating marijuana, since they will be assured of a lucrative market by a rapidly growing number of addicts,” paliwanag ng kongresista.

Nauna nang inirekomenda ng House committee on health ang pagpasa sa House Bill 6517 o an Act Providing Filipinos Right of Access to Medical Marijuana.

Inaasahang masisimulan ang debate sa panukala pagbalik ng sesyon ng Kongreso sa November 20. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?