51

Oct 11, 2017 @ 11:06

Medical clinics inayudahan ni Jordan

CHARLOTTE, North Carolina — Nagdonasyon si Hornets owner Michael Jordan nang tumataginting na US$7- million para makapaglunsad ng medical clinics na mangangalaga sa halos 35,000 mga bata’t nakatatanda sa isang mapanganib na komunidad dito.

Pinakamalaking pilantropong pagdodonasyon ito ng former NBA champion.

Itutustos ang pinagkaloob niya sa dalawang Novant Health Michael Jordan Family Clinics, na tinatayang mag-opperasyon sa 2020.

“It is my hope that these clinics will help provide a brighter and healthier future for the children and families they serve,” tugon noong Lunes (Martes, Manila time) ni Jordan, na laking-North Carolina.

Ayon sa spokeswoman ni Jordan na si Estee Portnoy, naging motibasyon ng 54-year-old NBA great ang lumabas sa pag-aaral na nasa pinakamasaklap na estado ang mga dukhang kabataan na nasa Charlotte buhat sa 50 lungsod ng US, at nais silang maiangat sa kahirapan ng dakilang basketbolista.

Hinirit niya na ang clinics ang magiging daan ng mga tagaroon para sa abot-kaya pero mataas na uring serbisyo sa pangangala ng katawan – kabilang ang ugaling pangkalusugan, physical therapy, social work, oral health at family planning — sa mga individuals sa mga na may maliit lang o mga walang health care.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?