49

Oct 22, 2017 @ 15:28

Medical caravan ilulunsad sa Marawi

Plano ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng malaking medical caravan para sa mga bakwit sa Lungsod ng Marawi.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Dr. Herminigildo Valle, gagawin ang malaking medical at surgical caravan sa Amai Pakpak Medical Center.

Layunin ng programa na masilbihan ang pangangailangang medikal ng mga residente sa Marawi matapos ang limang buwang gyera laban sa Maute-ISIS Group.

Si Valle ay bumisita na sa Amai Pakpak Medical Center para personal na makita ang sitwasyon ng pagamutan at para matukoy ang antas ng kahandaan ng mga medical personnel doon.

Sinabi ni Valle na magdedeploy sila ng karagdagang mga medical staff sa Amai Pakpak para mapalawak ang serbisyo ng ospital at maayos na matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa Marawi. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?