45

Dec 13, 2017 @ 12:36
By

Medialdea: Unli peace, ‘di unli ML ang gusto ni Digong

Mariing sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi pangmatagalang martial law ang hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Medialdea, ang nais ng Pangulo ay ang lubos na kapayapaan.

Sinabi ito sa pagharap niya at ng buong Malacañang security council sa joint session ng Senado at Kamara kung saan dedesisyunan ang hinihingi ng Pangulo na isang taong pagpapalawig sa umiiral na martial law sa buong Mindanao.

“We do not ask for the unlimited martial law. What we are seeking is unlimited peace,” ayon kay Medialdea.

Diin nito, kailangang patuloy na pairalin ang martial law sa buong Mindanao, kasama ang suspensyon ng privilege of the writ of habeas corpus, dahil patuloy ang rebelyon sa Mindanao kahit napatay na ang mga lider ng mga grupong nanggulo sa Marawi City.

“Despite the death of Isnilon Hapilon and Maute fighters, the Daesh-inspired Da’awatul Islamiyah Waliyatul Masriq continue to rebuild their organization through recruitment and conduct financial and logistical build up,” sabi ni Medialdea.

May gulo rin aniya sa Mindanao dahil sa panggugulo ng mga kasapi ng National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army na nagsasamantala sa sitwasyon sa Mindanao.

Sa paghingi ng pagpapalawig ng martial law, siniguro ng kalihim na laging magiging protektor ng taumbayan ang militar at kapulisan. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?