45

By

Medialdea itinalagang OIC habang wala si Duterte

Iniupo muna bilang officer-in-charge (OIC) ng gobyerno si Executive Secretary Salvador Medialdea habang nasa labas ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa Special Order No. 371 na inisyu ng Pangulo, magiging OIC si Medialdea mula Abril 26 hanggang Abril 28 at pangangasiwaan ang pang-araw araw na operasyon ng Office of the President.

Kasalukuyan kasing nasa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore ang Pangulo.

Si Medialdea ang pansamantalang magpapatakbo sa gobyerno para hindi maantala ang paghahatid ng serbisyo sa publiko lalo na sa Executive Department.

Inatasan naman ng Pangulo ang lahat ng departamento at ahensiya para alalayan ang Executive Secretary.

Nakagawian nang gawing OIC si Medialdea tuwing may biyahe si Pangulong Duterte sa labas ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?